Thursday, January 7, 2010

Labanang noynoy at villar sa 2010 tumitindi!

Lalung tumitindi ang labanan nina senador benigno “noynoy” aquino iii ng liberal¬ party at senador manny villar ng nacionalista party sa halalang pam¬panguluhan sa mayo.

Ayon sa survey na isinagawa mula disyembre 12 hanggang 19, sa
may 7,000 respondents na tinanong, 45.7 percent ang pumili kay aquino at 24.6 percent naman kay villar.

Nasa pangatlong puwesto naman si dating pangulong joseph “erap” estrada na nakakuha ng 17.7 percent, at sinundan siya nina gilbert “gibo” teodoro na may 5.7 percent , bro. eddie villanueva
na may 1.5 percent, at sen. richard “dick” gordon na nakakuha lang ng 1.3 percent.

Ipinapakita ng survey ang patuloy na pagdikit ni villar kay aquino mula nang palitan ng huli si senador mar roxas na maging standard bearer ng lp noong setyembre.