Thursday, January 7, 2010

Panlilio handa na sa paglabas ng desisyon sa protesta laban sa kaniya

Ipinahayag ni pampanga governor eddie panlilio na nakahanda na siya sa paglabas ng desisyon ng comelec second division na humahawak sa isinampang protesta laban sa kaniya ni dating board member lilia pineda.

Maging si panlilio ay naniniwalang hindi magiging pabor sa kaniya ang desisyong nakatakdang ilabas anumang araw sa linggong ito.

Nauna ng napabalita ang paglalabas ng desisyon kahapon, subalit ayon kay sixto brillantes wala umanong pasabi ang comelec ukol dito, kung kayat maging siya ay hindi umaasang matutuloy ang promulgasyon ng naturang desisyon.

Ayon naman kay panlilio, nakahanda naman umano niyang bakantehin ang opisina ng gobernador kung nasunod ang tamang proseso sa pagdinig ng kaso.

Idinagdag pa niya na sakaling hindi pabor sa kaniya ang desisyon, ay magsasampa sila ng umano ng motion for reconsideration sa comelec en banc upang hikayatin ang mga komisyuner na baligtarin ang desisyon ng second division nito.