Thursday, January 7, 2010

Kooperatiba sa floridablanca tumanggap ng tulong pinasiyal

Tuwang tuwa ang may labing limang miyembro ng aku ing bayung entreprenyur – kapampangan ng pagkalooban ng tulong pinansiyal ng provincial government sa pamamagitan ng provincial cooperative and entreprenuerial development office o pcedo

Uumabot sa mahigit na isa punto tatlo milyong piso ang ibinigay na pautang ng lalawigan sa mga miyembro na gagamitin para makapagsimula ng negosyo.

Ipinaliwanag pcedo chief mamerto gatus, na ang nasabing hakbang ay naglalayong masuportahan at mapaunlad ang malilit na negosyante sa pamamagitan ng pagbibigay ng panibagong puhunan sa mga ito.

Kaugnay nito, sinabi ni floridablanca mayor eduardo guerero na malaking tulong ang ginawang ito ng lalawigan hindi lamang sa mga miyembro ng kooperatiba kungdi maging sa ekonomiya ng kaniyang bayan.