Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang limang pinaghihinalaang carnaper matapos maaresto ang mga ito sa barangay dau sa bayan mabalacat.
Kinilala ang mga suspek na sina, jayson cajala, marlon majia, jimmy moneva, at dalawang minor de edad hindi pinangalannan ng kapulisan.
Ayon sa mga pulis, sangkot umano ang mga naturang suspek sa pagnanakaw ng isang tricycle na pagmamay-ari ni adorable dela pena ng barangay dau.
Nahaharap naman ang mga suspek sa kasong carnapping habang ibinigay sa pangangalaga ng departmen of social welfare and development ang dalawang minor de edad.