Isasailalim sa stress debriefing ang welder na si jayson aguilar, ang ofw na pina-deport mula sa qatar makaraang mapagkamalan na siya si jayson ivler na sangkot sa isang krimen.
Ayon kay mario antonio ng repatriation division ng overseas workers welfare administration layunin nitong maka-recover si aguilar mula sa masaklap na karanasan.
Matatandaang una ng inihayag ng pinoy worker na pitong araw siyang ikinulong sa isang detention facility sa qatar at pitong araw ding hindi nakapaligo o nakapag-toothbrush man lang dahil sa higpit ng mga bantay.
Sa panayam kay aguilar, ayaw na umano nitong umalis ng bansa dahil sa nasabing pangyayari na nagbigay sa kaniya ng trauma.
Humingi na rin ng paumanhin ang pamilya ng napaslang na si renato ebarle jr., dahil sa pagkaka-deport ni aguilar gayung hindi naman ito ang hinahanap ng batas.